ARTICLE

Mga Tipo Na Lalaki Ni YENG CONSTANTINO At SOLENN



Ano nga ba ang dapat niyong gawin na mga lalaki upang mapansin ng mga babae? Nakausap ng MYXPH ang mga talentadong singers na si Yeng Constantino at Solenn Heussaff para malaman kung ano nga ba ang type nila!

At dahil malapit lapit na November at puwedeng puwede na sumali ang lahat ng lalaki sa "Novembeard," kung saan sila'y hindi magshashave, tinanong namin ang dalawa kung ano ang maadvise nila tungkol sa facial hair.

Para kay Yeng depende naman raw, dahil may iba't ibang aura na binibigay ang pagsusuot ng balbas at bigote. "Okay lang naman na may ganun. Pero natuwa ako one time shinave niya. Nagmas mukha siyang younger," ika ni Yeng nung pinaguusapan ang boyfriend niya.  

"Okay pareho. Siguro kasi pag love mo yung person, ganun talaga. Pero okay lang. Kahit wala or meron, di ako masyadong particular sa ganun. Siguro kung pa crush crush lang. Pero pag tungkol sa love hindi. Kahit ano pa yan okay lang... Wala na siya nalang crush ko eh natunaw na lahat ng gwapo sa mundo naubos na lahat."

Para naman kay Solenn, mas gusto niya na may balbas. "I think it makes a man look masculine, more manly...just don't go overboard," sabi ni Solenn. Mukhang mahilig pala si Solenn sa bad boy look. "I like madungis. I like dirty," pinagpatuloy niya. Kaya't kung kamukha niyo si Colin Farrell o Paul Walker, aba! Siguradong type ka ni Solenn!  

Alam nating lahat na malamig lamig na pagdating ng Nobyembre, at masarap magpahaba ng balbas, pero kung gusto niyong magustuhan ng mga babaeng kasing ganda at talentado ng dalawang ito, edi makinig na sa kanilang mga payo! 

Panoorin niyo ang interview sa dalawa sa ibaba!


Ano? Magpapahaba pa ba kayo? Magiwan ng comment sa ilalim! 



Comments

X

  • jessierano414

    posted 3 years ago

    Ang cute.. cute talaga ni Ms. Yeng Constantino :)

PHOTOS

VIDEOS