ARTICLE

Isang German Citizen Mahilig Sa OPM At Nanunuod Ng Filipino Shows? Alamin Yan Kay MYX VJ AI!


Amazing! Isang German citizen named Karl Heinz Schleiter ang nakilala at naka-kwentuhan ni MYX VJ Ai sa Hong Kong at dito ay napag-alaman niyang mahilig makinig sa OPM at manuod ng Filipino shows si Mr. Schleiter!

"My nickname is Caloy Pinoy," sabi ni Karl na nakapangasawa ng isang magandang Pilipina at nabiyayaan ng tatlong anak.

Sino kaya ang idol ni Karl na Filipino celebrities?

"My idol is Toni Gonzaga, also Sarah Geronimo, but my biggest idol is Freddie Aguilar!" Nag-sample pa si Karl ng ilang linya mula sa awit ni Freddie Aguilar na "Anak" na matutunghayan niyo sa video sa ibaba!

Bukod dito, mahilig din manuod si Karl ng Filipino shows at mukhang isa rin siya sa mga masugid na sumusubaybay sa love story ni Maya at Ser Chief!

Nang tanungin ni VJ Ai kung ano ang kanyang favorite Filipino shows, heto, find out!

"My favorite shows are 'Be Careful With My Heart.' 'The Buzz,' 'Eat Bulaga,' 'Kris TV.' Love, love, love right?"

Isa si Karl Heinz Schleiter sa mga nagpapatunay na it's really more fun in the Philippines!

Nai-share din ni MYX Channel Manager Ms. Mila Labendia sa kanyang Instagram account ang kanilang photo ni Mr. Schleiter!

Photo courtesy: Instagram

Panuorin ang buong kwentuhan nina VJ Ai at Karl Heinz Schleiter sa video sa ibaba!


Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS