ARTICLE

Ateneo Versus La Salle Na Naman! Two OPM Vocalists Share Their Thoughts On This UAAP Rivalry


Isa na namang kabanata ng pinaka-sikat na sports rivalry sa Pinas ang matutunghayan natin.

Round 2 mamaya ng Ateneo kontra La Salle sa UAAP Season 76.

Currently, parehas ang win-loss record ng dalawang koponan na may standing na 6-4. Kung sino man ang manalo today ay may malaking chansa na makakuha ng twice-to-beat advantage sa Final Four kasama ang FEU at NU.

Sa kanilang unang pagtatapat this season, nanalo ang La Salle sa score na 82-73.

Makaulit kaya ang Archers, o makakabawi ba ang Eagles?

Natanong namin ang dalawang OPM vocalists kung ano ang tingin nilang mangyayari sa laro.

"Wala kaming sentro, eh. Nasanay 'yung Ateneo na may Greg Slaughter, eh." sabi ni Jugs Jugueta ng Itchyworms.

"Ang hirap makipag-sabayan sa malalaki. Ang daming bigs ng La Salle, eh," dagdag pa ng Ateneo alumnus.

"Pero puso lang 'yan. Kung nagawang talunin ng Gilas Pilipinas 'yung Korea, kayang talunin ng Ateneo 'yung La Salle," pang-huling sabi ng Showtime host.

Isang avid fan naman ng La Salle si Monty Macalino ng Mayonnaise.

"Para manalo ulit DLSU versus Ateneo, kailangan ulit i-establish nila yung post play nila," sabi ni Monty. 

"Malaking advantage 'yung bigs ng DLSU kaya dapat maganda laro ni Norbert Torres and AVO (Arnold Van Opstal)," ayon sa "Jopay" singer.

Dapat din daw pagbutihan ng Green Archers ang kanilang depensa.

"Kailangan na i-check si Kiefer, Buenafe and Newsome. Mabilis dapat sa switch kasi mabilis ang wings ng ADMU," pagtatapos ng MYX 3on3 Green Team member.

Panoorin ang pinaka-inaabangang larong ito sa Studio 23 at sa Balls HD channel 167 sa Sky Cable mamayang 4PM.

Check out our MYXph exclusive video below where Pinoy musicians cheer for their UAAP teams!


Can you name the artists in the video?

Kayo, maka-La Salle ba kayo o maka-Ateneo?

Isulat ang inyong sagot sa comment box namin sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS