ARTICLE

Maging Isa Sa Mga Unang Makakapanood Ng Napaka-"Enchanting" Na Bagong Music Video Ng RIVERMAYA! Tutok Na Sa MYX Mamayang 8PM


Ngayong gabi na ang pinaka-aabangang MYX Premiere ng "Malayang Magmahal" ng banda ng bayan Rivermaya!

Naikwento ng miyembrong si Mark Escueta ang istorya sa likod ng kanta, during their recent grand fans' day.

"Para sa lahat ng nagmamahalan diyan pero may pinagdadaanan na pagsubok, pero dahil solid kayo sa isa't isa, nothing can destroy you," paglalahad ni Mark.

Ang music video naman para sa second single mula sa "Panatang Makabanda" album was shot entirely on location sa isang sikat na local theme park.

Si Pedring Lopez ang napili nilang mag-direct nito. Siya din ang genius behind Maya's past music videos na "You'll Be Safe Here" at "Reminis".

"Abangan niyo, kasi maraming mga technology and ideas sina Direk Pedring na nilagay sa video na 'to na hindi pa nagagawa sa isang music video," dagdag ni Mark.

See photos form Team Rivermaya's most recent get-together here.

I-click ang video sa ibaba para mapanood aming MYXph.com exclusive interview with the band.


Panoorin ang "Malayang Magmahal" sa MYX Premiere mamayang 8PM sa MYX channel!

After watching it, ay malaya na kayong makakaboto sa aming online voting poll to help it enter the MYX charts.

Excited na ba kayo makita ang pinaka-bagong Rivermaya music video?

Malaya kayong mag-post sa aming comment box sa ibaba!

Comments

X

  • desycars

    posted 3 years ago

    Excited to see the vid! Woohooo! I love Rivermaya!!!

PHOTOS

VIDEOS