ARTICLE

Paano Ba Nabuo Ang Bandang STICK FIGGAS? Alamin Yan Dito!


Madalas niyo silang makita sa tugtugan nina Loonie at Ron Henley pero alam niyo na ba ang istorya kung paano nabuo ang bandang Stick Figgas?

Ang bandang ito ay binubuo nina Loonie, Ron Henley at Kat Agarrado (vocals), Jops Jabol at JC Sebastian (guitars), Tuts Calinawan (bass), Macky Brillantes (drums), Nikki Cabardo (keyboards) at Bboy Garcia.

Nang makasama namin ang Stick Figgas sa MYX Soundcheck with Ron Henley ay nakapanayam namin sila at dito ay naikwento nila kung paano sila nagsimula bilang isang banda.

"Wala pa kaming mga bagong kanta, gumagawa pa lang kami. Nagja-jam lang kami," sabi ni Ron Henley. "Susi talaga jamming, eh," sabi naman ng drummer na si Macky. "Jamming kayo sabay-sabay tapos may mabubuo kayo. Ija-jam niyo lang talaga siya, eh. Tapos kailangan niyo lang talaga magkasundo," dagdag pa ni Macky.

"Nangangarap lang kami na mga high school schoolmates nun, pasali-sali lang kami sa mga rap contests sa mga baranggay," kwento ni Ron Henley. At doon ay nakita sila ng isang talent scout at inalok silang sumali sa isang contest. "Napunta kami sa finals tapos naisama kami ni Sir Francis M. sa mga gigs niya, doon nagtuloy-tuloy na tapos nakakilala kami ng mga tao sa iba't ibang larangan ng musika," sabi pa niya.

Nakakilala sila ng mga direktor, musikero at mga banda hanggang sa napunta sila sa Baranggay Tibay kung saan nakakilala rin sila ng mga tao na nagpe-perform sa nasabing samahan. 

"Nagisip-isip kami kung paano mag-buo ng banda. Una ilan lang kami sa banda, lima lang. May mga nawala pero napalitan din naman, malulupit pa. Ngayon siyam na kami." Ayon pa kay Ron, ngayon ay nagsisimula palang na gumawa ng bagong record ang Stick Figgas. "Alam niyo naman, busy busy ang lolo niyo. Hinihintay lang namin yung pagkakataon na magkasama-sama kami, jam ulit."

Siguradong marami ang mag-aabang sa record ng Stick Figgas! For more on this band, panuorin sila sa Urban MYX Live tonight at 9PM sa MYX channel on cable!

Ipadala ang inyong mga shoutouts sa Stick Figgas by leaving a comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS