ARTICLE

Online Show Ng Dalawang Bokalista, Patok!

(Screengrab from RicoMiggyShow)
 
Sinimulan nitong Tuesday ng gabi nina Rico Blanco at Miggy Chavez ang kanilang livestream talk show na tinawag nilang... ano pa nga ba, eh 'di... "Rico Miggy Show"!

(Screengrab from RicoMiggyShow)

"Wala. Trip trip lang, men," sabi ni Rico nang tanungin kung bakit nila naisipan na mag-online talk show. 

"Kasi 'pag tumatambay kami ni Corics, nag-iimbento kami ng mga comedy sketches... tapos, ayun, nag-evolve into a show," sabi naman ng Chicosci frontman tungkol sa "Rico Miggy Show" na livestreamed lang mula sa bahay ni Rico. 

"So we got together with a couple of friends... Pank Rak lang!" dagdag ni Miggy.

At mukhang na-trip-an din ng fans ang trip ng dalawa. Umabot ng mahigit 5K views ang show at nag-trending ang #RicoMiggyShow sa Twitter; pangalawa lamang sa pinag-usapang pagpo-propose ni Sir Chief kay Maya!



Sa ngayon, kahit anong mapag-usapan lang ng dalawa ang content ng show. Pero isa sa mga napag-diskitahan nila ay ang Chicosci at Save Me Hollywood bassist na si Calde Calderon. Tinawagan ni Miggy ang kanyang ka-banda. Hindi alam ni Calde na on-air ang conversation nila. Kagulo tuloy sa pagkokomento ang mga viewers!

(Screengrab from RicoMiggyShow)

Hindi ito ang unang beses na makipag-collaborate si Rico Blanco with another OPM vocalist para sa isang online project. Recently ay nag-join forces sila ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar para sa mash-up na "Panahon na Naman ng Harana".

On what to expect next week sa tinawag nilang "Episode -1", sabi ni Miggy: "Mas makulit pa, tapos dapat wala na technical issues.

Anong masasabi ninyo sa kulitan na ito nina Miggy Chavez at Rico Blanco? Ano ang gusto ninyo maging topics ng show at sino ang gusto ninyong i-guest nila?

Feel free to leave YOUR comments below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS