ARTICLE

NU, Champion Sa UAAP Cheerdance Competition!

 

Matapos ang halos apat na oras na sayawan, tumbling-an, hagisan at umaatikabong school spirit, ay may bagong kampeon na ang 2013 Cheerdance Competition ng UAAP! Mistulang tinupad ng kanilang Genie sa lampara ang wish ng National University Pep Squad na may Arabian at Aladdin-inspired routine this year.   


Mula sa pagiging second-runner up noong nakaraang taon ay nakuha nila, for the first time ever ang Championship. Ang defending-champs na UP Pep Squad ay second placer lamang this year after winning the title mula 2010 hanggang 2012. Ang De La Salle Animo Squad, na may military-themed performance, ay nag-third place dahil na din sa kanilang malinis na stunts at sayaw. Nakakuha ang NU ng score na 696.5 points mula sa mga hurado, at cash prize na P340,000. Napanalunan din ng Bulldogs ang Group Stunts Competition matapos ang isang napaka-"flexible" na performance. Panoorin ito sa video sa ibaba na naging trending topic na sa social media sites.

Congrats, NU Pep Squad!

Comments

X

  • ja120790

    posted 3 years ago

    congrats NU...:D

PHOTOS

VIDEOS