ARTICLE

Rakenrol Hanggang Umaga! SANDWICH Parties 'Til The Break Of Dawn For Their 15th Birthday


It was wet and wild!

Hindi naging hadlang ang ulan at trapik sa celebration ng bandang Sandwich ng kanilang 15th Anniversary!

Noong Sabado ay matagumpay na naidaos ng OPM band ang kanilang party sa 19 East Bar & Grill.

"Well dahil 15 years na kami, naisipan namin magpa-party. Inimbitahan namin mga kaibigan namin, mga naka-trabaho namin through the years... tugtugan lang tapos pinili namin mga kantang gusto namin tugtugin for the night," sabi ng frontman na si Raimund Marasigan.

At take note, inabot ng 3 sets ang kanilang performance consisting of 36 songs... and more!

"Yung first set is the "Fat Salt & Flame" album in sequence; tapos 'yung second set 'yung mga singles, para tapos na 'yun... para hindi nyo na ire-request. Yung third set bahala na si Mong," pagpapaliwanag ni Raimund right after their first song for the night.

View our photos galing sa event dito.

Kauna-unahang beses din na ginawa ng Sandwich ang ganitong kahabang set sa kanilang career; at inabot na ito ng madaling araw!

Heto ang mga kanta nila as written on their setlist:

1.  Fat, salt and flame
2.  Back for more
3.  Sleepwalker
4.  Pray for today
5.  The week after
6.  Mayday
7.  Kidlat
8.  New romancer
9.  Manhid
10. Supremo
11. W Kadaladala
12. Selos
13. 2 Trick
14. Pera
15. Sugod
16. Procras
17. Gst/feedback
18. Food for the soul
19. Dvdx
20. Bottleneck
21. Beta
22. Cheesefactor
23. Jetlag
24. In case
25. Line drawings
26. Freestyle
27. Not this time
28. Return to center
29. Kalendaryo
30. Text
31. Sakyan
32. Astro
33. Sunburn
34. Replete
35. Nahuhulog
36. P5

Check out our interviews and highlights from "Sandwich 15" in our MYXph.com exclusive video below.


Happy Birthday, Sandwich!

Mag-post ng inyong pagbati sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS