ARTICLE

The Voice Of The Philippines FINAL 8, All Out Sa Presscon


All out na humarap ang Final 8 ng The Voice of the Philippines sa mga miyembro ng media kagabi sa Dolphy Theater, ABSCBN.

Sa umpisa pa lamang ay napuno na ng kasiyahan ang theater nang magbigay ng pa-sample ang Final 8 through their performances. Bumenta din ang pagpapakilala ng mga pambato ng Team Apl na sina Janice at Thor sa pagtawag sa tandem nila bilang "JaniThor". Gayundin naman ang mga pambato nina Team Bamboo: Myk at Paolo o "MyLo"; Team Sarah: Klarisse at Morissette o "KlaMor"; at Team Lea: Mitoy at Radha o "ToDa".

Game na game naman na sinagot ng Final 8 ang mga tanong na ibinato sa kanila ng media. At makikita sa kanilang mga sagot na kahit sila'y nasa isang competition, friends pa rin silang lahat sa likod ng kamera.

Team Apl - Thor Dulay and Janice Javier

Team Bamboo - Paolo Onesa and Myk Perez

Team Sarah - Klarisse de Guzman and Morissette Amon

Team Lea - Mitoy and Radha

Abangan ang face-off ng artists ng bawat teams this coming Saturday, September 21, 9:00 PM sa ABSCBN; pati na rin ang live solo performances ng Final 8 on Sunday, September 22, 8:00 PM.

Sinong bet niyo na makapasok sa Final 4?

Comments

X

  • ja120790

    posted 3 years ago

    panalo ang JaniThor sa akin...tapos parang walang dating naman ung KlaMor...haha, masisisi mo ba sila...haha

  • angel143

    posted 3 years ago

    wow!!

PHOTOS

VIDEOS