ARTICLE

The Voice PH Final 8, Inilahad Ang Advantage Nila Mula Sa Kanilang Makaka-Face Off


Naibahagi ng Final 8 ng The Voice of the Philippines sa kanilang nakaraang presscon kung ano sa tingin nila ang advantage nila mula sa kanilang ka-face off. At game na game and with all honesty ang kanilang mga sagot, pero syempre in a healthy, competitive way pa rin!

Team Apl - Thor Dulay and Janice Javier

Thor: "Siguro ang advantage ko, nagkaroon na ako ng dalawang album. Kahit papaano, may nakabili ng album na 'yon, syempre makukuha nun yung mga humahanga sa'kin dati pa.. Marami ring celebrities na sumusuporta, so advantage ko 'yun, honestly speaking."

Janice: "Nakakainis advantage mo! Ang advantage ko kay Thor, I think yung... I've traveled a lot. Half of my life bumabyahe ako as a singer so marami nang nakarinig sa'kin so siguro makukuha ko yung suporta nila sa'kin this time lalo na 't meron tayong online voting. Tsaka siguro pagdating sa performance sa tingin ko mas maangas ako kay Thor kasi si Thor mahiyain e, pero iba rin kasi yung approach namin e."

Team Bamboo - Paolo Onesa and Myk Perez

Paolo: "Ang masasabi kong advantage siguro is wala akong hawak na gitara, mas nakakagalaw ako.. mas nakaka-interact sa audience. Yun lang naman."

Myk: "Siguro ang advantage ko kay Pao, sa nakikita ko lang every performance naming dalawa, 'pag nasa stage na po ako, wala na po talaga akong hiya e. As in kung project, project! Kung happy po yung song ko, gumagalaw po ako kahit may gitara at mic stand lang.. Sa nakikita ko rin kasi kay Pao minsan.. siguro may halo pang kaba or medyo nakoconscious pa siya kasi medyo bata pa nga talaga si Pao."

Team Sarah - Klarisse de Guzman and Morissette Amon

Klarisse: "Siguro yung range niya mas mataas sa'kin pero mas soulful yung boses ko, mas iba. Mas bagong tunog, kasi mas marami nang bumibirit ngayon. Mas may bago akong maooffer sa music industry."

Morissette: "Ako naman yung advantage ko siguro I would say is how I connect with the audience. Kasi yung laging comment ni Coach Sarah  kay Klarisse is lagi lang siyang nakapikit. So I would have to say na that is my advantage -- na tumitingin ako. And another advantage would be, kasi na-expose na rin ako.. galing ako sa kabilang network dati, and I've already worked and yun, kahit papaano meron na akong naging mga supporters and meron na ring mga artistang tumutulong din po sa akin."

Team Lea - Mitoy and Radha

Mitoy: "Ang advantage ko siguro, mas makapal mukha ko kesa kay Radha. Tsaka yung connection sa tao. Yun lang siguro."

Radha: "Mas mahaba hair ko! Saka ano.. mas mabigat ako sayo. Haha! Ahh.. Versatility."

Naganap na ang live face off ng artists ng bawat team kanina. Mapapanood naman bukas ang live solo performances ng Final 8 bukas ng 8:00 PM. And the voting will continue tomorrow as well!

Watch the full video of the interview here.

Sinu-sino sa tingin niyo ang makakapasok sa Final 4? Share your thoughts by commenting below!

Comments

X

  • ja1207

    posted 3 years ago

    honestly speaking nga diba? ano bang masama doon, totoo naman ah...pero kay janice pa din aq...hehe

  • Thor4TeamAPL

    posted 3 years ago

    I am 100% sure that Thor did not say that.

PHOTOS

VIDEOS