ARTICLE

INSTAWORM! ITCHYWORMS Bassist May Exhibit Ng Kanyang INSTAGRAM Memes


Sinumulan noong Miyerkules ang "PUNny Ka Ha!" art exhibit sa Big Sky Mind bar.

Sa pangunguna ng Itchyworms bass player na si Kelvin Yu, naka-display ngayon dito ang mga nakakatuwang images na mistulang mash-ups ng mga sikat na personalidad.

"Collection siya ng mga Instagram memes na ginagawa naming apat," sabi ni Kelvin, na kasama ang mga kaibigan niyang sina Karl Orteza, Ene Lagunzad and JP Balboa sa pagti-trip sa mga celebrities sa Instagram.

Nagsimula lamang daw sa biruan ang project na ito; kung saan subjects nila ang mga popular local and international celebs mula sa showbiz, politics at sports.

Silipin ang ilan sa mga memes na ito sa aming MYXph.com photo gallery at subukang hulaan ang title ng mga ito.

Ilan sa mga nakadalo sa opening ay ang mga komedyanteng sina Moymoy at Tuesday Vargas, TV host na si Julia Clarete, at mga OPM artists na sina Ebe Dancel, Marcus Adoro at Jugs Jugueta.

I-click ang aming exclusive video sa ibaba.


I-follow ang mga makukulit na artists na ito sa Instagram by searching for #InstagramConnectTheCelebs and #PunnyKaHa.

Check out "PUNny Ka Ha!" at Big Sky Mind! PUNta na sa 66 Broadway Avenue corner E.Rodriguez in Quezon City.

Feel free to leave YOUR comments below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS