ARTICLE

MOONSTAR88 Nag-React Tungkol Sa "Wrecking Ball"


Number one na sa MYX Daily Top 10 ang napaka-kontrobersyal na "Wrecking Ball" ni Miley Cyrus!

Nabasag na nito ang ilang world records; umani na ng papuri at mga batikos.

At naghayag na din ng saloobin ang mga paborito ninyong OPM acts.  

Natanong namin ang Moonstar88 kung ano ang opinyon nila tungkol sa music video na may halos 150 million views na sa YouTube.

Actually ako, umiyak talaga ako. Parang sobrang raw ng emotions niya dun sa song," sabi ng bokalistang si Maysh Baay.

"Sobrang ganda ng lyrics. Siyempre sa MYX 'di ba may lyrics kaya sinusundan ko talaga," dagdag pa niya.

"Sa MYX, lahat ng kanta sa gumaganda dahil nababasa 'yung lyrics eh," pahabol ng gitaristang si Herbert Hernandez na ginaya pa si Miley using our MYX microphone!

"Gusto ko maging Wrecking Ball," pabirong sabi ng drummer na si Bon Sundiang.

Unfortunately, medyo na-O.P. sa usapan ang bassist na si Paolo Bernaldo na hindi pa pala napapanood ang music video.

Paolo, nood nood din ng MYX 'pag may time ha!

Check out our MYXph.com exclusive interview with Moonstar88 below.


Anong masasabi niyo sa "Wrecking Ball"?

Karapat-dapat ba ito sa #1 spot sa MYX DTT?

I-post ang inyong mga komento sa ibaba.

Comments

X

  • killuaj18

    posted 3 years ago

    Lab u idol maysh :)

  • aj_anime18

    posted 3 years ago

    i<3moonstar88 :)

  • arondarkrai

    posted 3 years ago

    karapat dapat kung maraming votes kung hindi edi hindi hahaha Boto hinihingi kaya un ang batayan. sabagay maganda naman talaga Wrecking ball deserving to be #1

PHOTOS

VIDEOS