ARTICLE

Throwback Thursday: Usapang RYZZA MAE, Nagpaalala Kay AIZA Ng Child Star Days


Kapag child star ang pinaguusapan, si Aiza Seguerra kagad ang unang pumapasok sa utak! 

Pagkatapos ng halos 25 na taon sa showbiz, masasabi niyo ba na mayroon ng ibang bata na pumapasok sa isip niyo? Sino pa ba ang maari nating sabihin na katulad ni Aiza sa henerasyon na ito?

Aba! Siyempre, wala ng iba kung hindi ang laking "Eat Bulaga" rin na batang babae na si Ryzza Mae!

Nakausap ng MYXPH si Aiza Seguerra at natanong namin kung ano ang masasabi niya tungkol kay Ryzza Mae. "That kid is very witty. She's like a grown up!" ika nga ni Aiza. 

Pero alam niyo ba na kapag wala sa harap ng camera ang bulilit na si Ryzza, napakamahiyain pala? Sabi ni Aiza, "outside the camera, shes very quiet. Surprisingly quiet...very reserved lang siya."

Tinanong ng MYXPH si Aiza kung ano ang mabibigay niyang mensahe sa bata, at ito ang sabi niya:

"Love what you're doing. Don't do it dahil sinasabi ng ibang tao na gawin mo yan. Enjoy it while you can. Enjoy it while it's there...pag child star madaming libre! Madaming laruan...libeng biyehang Dineyland! Yun yung mga naenjoy ko. I hope you enjoy that!"

Nais niyo bang malaman kung ano pa ang sinabi ni Aiza? Panoorin ang video sa ibaba!


Kung papapiliin kayo, Aiza o Ryzza bilang child star? Sino ang para sa iyo? Sabihin niyo samin, magiwan ng comment sa ilalim!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS