ARTICLE

SHANE FILAN Nakipag-Jamming With "The Voice PH" Finalists!


Matapos maka-duet ni "The Voice PH" coach Lea Salonga ang Grammy Award-winning jazz artist na si Patti Austin, ay isa muling international singer ang nakisaya sa Final Showdown naman ng singing competition.

Nakipag-kantahan ang former Westlife member na si Shane Filan sa "The Voice of the Philippines" Top 4!

As an intermission number, inawit ni Shane ang Westlife hit na "Fool Again" kasama sina Janice Javier at Klarisse de Guzman.

Pagkatapos, it was the male finalists' turn to sing "Uptown Girl" originally done by Billy Joel.

Sa interview after his performance, si Klarisse ang sagot ni Shane nang tanungin siya ng hosts kung sino ang kanyang paborito sa apat na finalists.

Ang Westlife ay isang Irish boy band na sumikat noong dekada nobenta. Kaka-disband lamang nila last year, at nandito si Shane sa bansa upang i-promote ang kanyang solo album, at single na "Everything To Me".

Silipin ang aming MYXph.com photo gallery ng mga kuha mula sa kanyang press conference at mall show.

I-click din ang aming MYXph.com exclusive phone interview kay Shane Filan sa ibaba to know more about him!


Nagustuhan nyo ba ang pagbabalik at pagbisita ni Shane Filan sa ating bansa at sa "The Voice of the Philippines"?

Feel free to leave YOUR comments below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS