ARTICLE

MITOY Itinanghal Na Kauna-Unahang "The Voice of the Philippines"!


Ngayong gabi ay napangalanan na ang pinaka-unang The Voice of the Philippines!

Sa final showdown kung saan nagperform ang Top 4 na sina Myk ng Team Bamboo, Janice ng Team APL, Mitoy ng Team Lea at Klarisse ng Team Sarah ay pinatunayan nila sa buong Pilipinas at sa buong mundo ang kanilang kakaibang talento sa pagkanta at kung bakit sila ang nararapat na tawaging "The Voice of the Philippines."

Punong-puno ng tensyon ang finale episode at sa huli ay nanaig si Mitoy ng Team Lea! Kagabi ay pinerform ni Mitoy ang kanyang original song niya na "Bulag" habang kanina naman sa final showdown ay inawit niya ang "Total Eclipse of the Heart" kasama si Vice Ganda at ang kanyang coach ni si Lea Salonga, "Leaving on a Jetplane" at "Help."

"Salamat at ako ang iyong napili bilang Coach, for letting me into your heart and for allowing me to help you in this journey. It has been an absolute pleasure to work with someone as gifted and as talented as you" sabi ni Coach Lea.

Nakuha ni Mitoy ang total score na 57.65% mula sa public votes habang nakakuha naman ng 42.35% of public votes ang nakatapat niya sa Top 2 na si Klarisse ng Team Sarah.

"Salamat po sa inyong lahat! Para sa inyo ito!" ayon kay Mitoy habang inaawit ang kanyang final song of the night, "Help."

Congratulations to the first ever The Voice of the Philippines... MITOY! 

Ano ang masasabi niyo sa naging resulta ng The Voice of the Philippines? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • iamjazz

    posted 3 years ago

    hahahaha . nakakatawa yung mga nagagalit kay mitoy . ganda ganda ng mga boses anu po??

  • John_alcantara

    posted 3 years ago

    ANG CHAKA! HAHAHAHA

  • lee chao lan

    posted 3 years ago

    YAHOOOO!!!!!!!............D KAYO NAGKAMALING PUMILI NG CHAMPION!!!!!HAHAHAHA.........GALING GALING NI MITOY!!!!

  • laaanceee

    posted 3 years ago

    WALA NAMAN PO SA ITSURA AT EDAD EHH. ANO NGAYON KUNG MATANDA NA SIYA. KAYA NGA THE VOICE DAHIL TINITIGNAN DYAN ANG GALING SA PAGKANTA, HINDI NG ITSURA AT EDAD. HINDI PO THE PAGEANT OF THE PHILIPPINES TO. WALA AT HINDI SA ITSURA AT EDAD ANG PAGTUPAD NG MGA PANGARAP. YAN NGA ANG TUNAY NA HUSAY. EH SAMANTALANG YUNG IBA ITSURA LANG ANG MERON. SORRY BUT I'M JUST STATING A FACT. :)

  • jgcasiple4

    posted 3 years ago

    Hindi naman yan sisikat after the voice -.- pangit mo

PHOTOS

VIDEOS