ARTICLE

MYXph.com Exclusive: GLOC-9 Nagpalit Ng Hairstyle Dahil Sa Isang Karamdaman?!?


Hindi namin naiwasang tanungin si Gloc-9 kung ano ang dahilan ng kanyang "new look"!

Sa music video shoot niya para sa upcoming single na "Magda", ni-reveal ng Pinoy rap artist ang rason ng kanyang pag-iibang anyo.

"Sobrang stress and fatigue, nagkaroon po ako ng Alopecia na medyo natanggal 'yung buhok ko dito sa side. Ang Alopecia po ay ang sudden excessive hair fall. Natatanggal 'yung buhok mo," pagpapaliwanag ni Gloc-9. 

"Medyo nareremedyuhan pa naman. Kaya ito po ang dahilan kung ba't kailangan kong magpalit ng look. So sana po ay huwag kayo magulat kung makita nyo ako ngayon," dagdag ng "Sirena" rapper na ang tunay na panagalan ay Aristotle Pollisco.

Ina-assure naman niya tayong lahat na maayos ang kanyang kalagayan at hindi siya titigil sa paghatid ng mga awitin sa kanyang bagong album na "Liham At Lihim".

"Wala pong problema, kasama 'to sa trabaho and knowing myself, kahit ako po ay medyo kukulit-kulit din ako on stage, very, very serious po ako sa trabahong ito."

Punung-puno pa din siya ng optimism and positive thinking despite ng kanyang rare condition, na wala pang alam na lunas sa ngayon. 

"I'm very, very thankful na nakakaya ko itong gawin ngayon. kailangan ko lang din mag-adapt as an artist and as tao," pagtatapos ng MYX Music Awards 2013 Favorite Song winner.

Isa pang Filipino musician na nag-come out na may Alopecia ay ang singer na si Abby Asistio.

I-click ang aming MYXph.com exclusive interview sa ibaba.


Mag-iwan ng inyong mga komento sa ibaba.

Comments

X

  • ja120790

    posted 3 years ago

    talaga, alopecia?...hmmm

PHOTOS

VIDEOS