ARTICLE

Ano Nga Ba Ang Positive At Negative Effects Tuwing May Suspension of Classes?


Tuwing bumabagsak ang walang tigil na ulan, hindi mawawala sa social networking sites ang usapan ng suspension of classes. Kanya-kanyang pagdarasal, kanya-kanyang pag-aantay ng announcement mula sa kinauukulan.

Pero sa tuwing nagwi-wish tayo ng suspension of classes ay naiisip din ba natin ang negative effects nito?

Dahil dyan, tinanong ng MYXph.com ang ilang estudyante mula sa Centro Escolar University - Mendiola kung ano ba sa tingin nila ang positive at negative effects kapag nagkakaroon ng suspension of classes.

Para sa kanila, positibong epekto nito ay ang pagkakaroon nila ng oras na makapagpahinga at kahit papaano ay makalimot sa stress na nakukuha nila sa dami ng requirements na kailangan nilang tapusin.

"Positive kasi makakapag-Dota ka!" sabi naman ng isa naming nakapanayam. 

Sa negative side naman, kapag daw nasususpend ang klase nila ay nadadagdagan naman ang mga lessons na kailangan nilang habulin. Bukod dito, hindi rin sila nakakatanggap ng baon mula sa kanilang mga magulang.

Alamin pa ang positibo at negatibong epekto ng suspension of classes according to CEU students by watching our full interview with them below!


Gusto namin malaman ang opinyon ninyo!

Para sa inyo, ano ang positive at negative effects ng suspension of classes? Share your thoughts by leaving a comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS