ARTICLE

Video Ng A.K.A JAM Member Na Si KATRINA VELARDE At Ang Mahiwagang Suklay, Viral Na!


Kumalat sa social networking site na Facebook ang video ng isang babae na kumakanta habang ginagamit ang isang lavender na suklay bilang kanyang mikropono.

Sino siya? Siya si Katrina Velarde, miyembro ng girl group na A.K.A JAM na nabuo sa first season ng X-Factor Philippines!

Also known as "Ms. Suklay," o "Suklay Diva," sa video ay makikita si Katrina doing a cover of Beyonce's "Dangerously In Love." Marami ang napahanga sa kanyang galing sa pagkanta kaya naman agad na kumalat ang video na ito, na una nang na-upload ilang buwan na ang nakakalipas.

Kung hindi niyo pa napapanuod, i-click niyo na ang video sa ibaba!


Sa YouTube channel na micassanovasingers ay naka-upload din ang covers ni Katrina ng "Love On Top" ni Beyonce, "Butterfly" ni Mariah Carey at marami pang iba! Panuorin yan by clicking the videos below:


Bukod sa maraming shares ay nakatanggap din ng positive reactions sa Twitter si Ms. Suklay!


Ang videos ni Kat Velarde ay isa na namang patunay na iba talaga ang talento ng Pinoy!

Ano ang masasabi niyo sa video ni Katrina Velarde? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS