ARTICLE

PARAMITA Disbanded Na!


Isa na namang malupit na OPM rock band ang nagpaalam na sa eksena.

Sa isang mensahe sa kanilang Facebook page, in-announce ng Paramita vocalist/drummer na si Ria Bautista na disbanded na ang kanyang banda.

"Hi guys! Most of you may have noticed that the band hasn't been playing gigs lately well, I'm afraid I have some sad news.. After 9 years and 3 albums, I have decided to let Paramita go", umpisang pahayag ni Ria sa kanyang madamdaming post.

"It's painful, almost unthinkable, especially to me, but it has to be done and there is no other person to do this task but me for I started Paramita and it is fitting that I be the one to end it," dagdag niya.

Nabuo ang Paramita noong 2003 at nag-release ng first album nilang "Tala" noong 2005. Nasundan ito ng self-titled album noong 2008, at ng "Liyab" three years ago. 

Ngunit kina-klaro naman ng band leader na mananatili silang magkakaibigan ng gitaristang si Marco de Leon at bassist na si Alsey Cortez.

"The band may be gone but me, Marco, and Alsey are definitely not retiring. Not anytime soon at least. Marco has a couple of projects with Alsey and they're gigging actively around the metro. I, on the other hand, plan to pursue a solo career, release a solo album, and collaborate with some of the local scene's young, aggressive, and talented artists. Aside from music, all three of us have countless other activities. So we're still gonna be pretty much around."

Maki-"hashtag TBT" sa amin at balikan ang MYX Setlist guesting ng Paramita almost four years ago sa aming Photos section dito.

Nakausap ng MYXph.com si Ria right after her post at natanong namin kung ano ang most memorable gig niya with Paramita.

"The band's very first gig at Big Sky Mind. I remember being so anxious and nervous at the same time. I felt reborn after my first band, A Murder Of Crows broke up," sabi ni Ria through our FB conversation.

Heto din ang mensahe niya sa MYX at sa mga MYX viewers:

"Thank you for providing a venue for local acts to showcase their music. Thank you for being a part of Paramita's career. And to all MYX viewers, Thank you for embracing us and welcoming us into your lives. Paramita's music will live on through you."

At dahil Throwback Thursday ngayon, balikan ang isa sa kanilang pinakasikat na hits na "Hiling"sa ibaba. 


Para sa mga hindi nakaka-alam, si Moonstar88 bassist Paolo Bernaldo ang nag-direct ng music video ng "Hiling", si Ping Medina ang main actor, at mapapanood dito ang original guitarist na si Norman Dellosa, na dati ring miyembro ng Silent Sanctuary.

Mag-iwan ng inyong mensahe para sa Paramita sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

  • jgcasiple4

    posted 3 years ago

    di naman sila sikatkaya ok lang

PHOTOS

VIDEOS