ARTICLE

ERIK SANTOS Hands-On Sa "inTENse" Concert Niya?


Handa na ba kayo sa pasabog ni Erik Santos na concert sa PICC sa November 9, 2013? Si Erik Santos? Handang handa na!

Nakausap ng MYXPH si Erik at inalam namin kung gaano kahands-on siya sa concert niyang naglalapit na. "Since day one ng pagpreprepare namin, talagang nakatutok talaga ako from conceptualization, lineup, sa guests," sabi ni Erik. After being in the industry for ten years, talagang sanay na sanay na si Erik sa mga proseso ng paghahanda para sa mga bonggang gabi, katulad ng "inTENse." 

"And I made sure na ang guests dito ay mga guest... mga especial sila sa buhay ko at importante sila sa career ko. In one way or another, sila yung naging bahagi ng ten years ko in the industry," ika ni Erik. Si Pops Fernandez at Regine Velasquez ay iilan lamang sa mga kanyang makakasama na kumanta. Anu ano kaya ang mga ballads na kakantahin niya? 



Excited na ba kayo? Manunuod ba kayo ng cocnert ni Erik? Magiwan ng comment sa ilalim!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS