ARTICLE

San Masayang Pumunta Ngayong Sembreak? Alamin Yan Mula Sa SAN BEDA Students!


Sembreak season na! Panahon na para makapagpahinga from all the stress na nakuha mo sa first half ng school year! Pero naisip mo na ba kung paano mo isspend ang sembreak mo?

Heto at nag-interview kami ng ilang students from San Beda kung saan tinanong namin sila kung saan ba masayang pumunta tuwing mid-year vacation.

Ayon kay Thea Ramirez, as a block daw silang umaalis kapag sembreak. "Nagre-rent kami ng isang private pool tapos sama-sama."

Iba naman ang trip ni Rachel Atienza na mas piniling umuwi sa kanyang probinsya. "Gusto ko sa probinsya namin sa Pangasinan. At ease ako tsaka at home."

Sabi naman ni Gen Bernal, madalas ay sa bahay ng high school friends niya siya pumupunta para mag-catch up at makipagkwentuhan.

Panuorin ang buong interview namin kasama ang ilang students ng San Beda by clicking the video below!


Kaya sa mga nag-iisip kung san sila pupunta ngayong sembreak, sana ay nagkaroon kayo ng idea sa tulong ng mga Bedans na nakausap namin!

Kung hindi mo pa sembreak at sabik na sabik ka na mag-bakasyon, hinay-hinay lang! Wag kalimutang mag-aral ng mabuti at seryosohin ang exams!

Gusto naming malaman ang suggestions niyo! San masayang pumunta kapag sembreak? Leave a comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS