ARTICLE

Champion Ang LA SALLE!


Champion na ang DLSU Green Archers sa UAAP Men's Seniors Basketball!

Sa isang makapigil-hiningang laban, nanaig ang deep bench ng La Salle sa Game 3 ng Finals ng UAAP Season 76.

Humabol sa pagkakabaon ng higit 10 points ang La Salle nang makabawi sila sa third quarter at naibaba ang kalamangan ng USTe.

Tabla ang two teams after regulation time sa 65-all at kinailangan pa ng 5-minute overtime period upang makuha ng Archers ang kampeonato sa final score na 71-69.

Dalawang sunod na games ang kinailangan mapanalunan ng DLSU matapos silang matalo sa unang laro ng series. 

Nagawa naman ng La Salle coach Juno Sauler ang achievement ng kalaban niyang coach na si Pido Jarencio noong 2006, na mapa-champion ang team niya sa kanyang rookie year.

Si Jeron Teng ang tinanghal na MVP ng Finals.

Ito ang pang-limang pagtatapat ng UST at La Salle sa Finals ng UAAP. Nanalo ang Tigers noong 1994-1996, at nakabawi naman ang Archers noong 1999.

23,305 katao ang nakapanood ng live sa SM Mall of Asia Arena na highest ever para sa isang UAAP basketball game.

Congrats UST Growling Tigers for being runners-up, and to the La Salle Green Archers for being Champions this year!

Mag-iwan ng inyong pagbati sa parehong teams sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

  • jhaxzmhinez

    posted 3 years ago

    it was a beautiful game ! they give their very best so they are all WINNERS !congrats

    #tengBrothers

  • ken22

    posted 3 years ago

    #firstcomment...hahaha.. ONGRATS SA LA SALLE..LALO N KAY JERON TENG!!

PHOTOS

VIDEOS