ARTICLE

Srowback Sunday (Batch 1)


Sinong nagsabi na kapag Thursday lang pwedeng magthrowback? Meron na ngang Memory Monday, Time Machine Tuesday, Wayback Wednesday, Throwback Thursday, Flashback Friday at Senti Saturday. Magpapaiwan pa ba ang pampitong araw ng linggo?á

Pinakikilala ng MYXph sa inyo ang Srowback Sunday. Tayo'y bumalik tanaw sa mga dating itsura ng mga sikat na celebrities ngayon!á

Magsimula tayo sa napakaganda at talentadong singer na si Anne Curtis. Batang bata pa lang, mukhang dalang dala na niya ang bangs niyang bongga.á
á
photo from Instagram @annecurtissmith

At dahil kung saan man si Anne ay naroon ang kanyang sweet na boyfriend, tayo'y lumipat sa baby photo ni Erwan Heussaff. Chubby na chubby ang look ni Erwan, katulad lamang ng kapatid niya na si Solenn. Nagiba na talaga ang dalawa paglipas ng mga taon. Hindi lang sila mas gumwapo at gumanda, sila rin ay mas naging fit at maskulado pa!

photo from Instagram @sollennheussaff

Si Georgina naman, na isa sa mga napakaclose na kaibigan ni Solenn ay halos pareho lamang ang itsura. Ang pagkahaba lamang ng buhok ang pinagkaiba!

photo from Instagram @ilovegeorgina


Tapusin natin ang Srowback Sunday na ito sa boyfriend ni Georgina na si Borgy Manotoc. Ano? Mukhang pareho lang ba?

photo from Instagram @ilovegeorgina

Ano ang masasabi niyo sa old at new looks ng mga stars na ito? Magiwan ng comment sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS