ARTICLE

PumuPOLEupot! 12 Music Videos That Feature Pole Dancing


Sadyang nagiging popular ngayon ang pole-dancing as a performance art lalong-lalo na sa mga music videos.

Dati-rati kasi, naa-associate lang siya sa mga bahay-aliwan, tulad ng makikita sa pinaka-bagong music video ni Bruno Mars na "Gorilla".

Ngayon, parami na nang parami ang mga nahihilig dito, not only as a hobby but also for weight-loss and physical fitness.

Our very own MYX VJ Iya Villania is an excellent pole dancer!

Ilang grupo na din kasi locally, tulad ng Polecats Manila, Pole Academy Philippines at iba pa. ang nag-aalok ng workshops at classes, not only for women but also for men.

Nag-compile ang MYXph.com ng mga music videos kung saan itinatampok ang pole-dancing, in no particular order.

(Warning: The music videos on the list may contain sexually explicit scenes. Viewer discretion is advised.)

12. Umpisahan natin ang listahan with Colombian singer Shakira featuring Pitbull sa "Rabiosa".


11. From South America, punta naman tayong South Korea. K-Pop girl group After School displays their pole skills on "First Love".


10. Sa music video ng version ng The White Stripes ng "I Just Don't Know What To Do With Myself", parang alam na alam naman ng supermodel na si Kate Moss ang dapat niyang gawin sa presensiya ng isang pole.


9. From one supermodel to another, heto si Heidi Klum sa "Turn Up The Night".


8. Former Destiny's Child member Kelly Rowland works it using fluorescent bars on her music video "Work".


7. Papatalo ba si Beyonce Knowles sa dati niyang ka-grupo? Here she is a hot "Suga Mama"!


6. Nag "agogo-dancing" si Liv Tyler para sa 1994 music video ng kanyang tatay! Watch Liv and Alicia Silverstone get "Crazy" sa rock ballad na ito ng Aerosmith.


5. Siyempre kung may rock, may hip-hop! The next video is "The Next Episode" by Dr. Dre featuring Snoop Dogg, Kurupt and Nate Dogg. Word!


4. We are definitely going to give you more pole-lovin' dahil pasok na pasok at pak na pak si Britney Spears sa "Gimme More".


3. Another international pop superstar makes the list. Sa kanyang latest music video, kasama niya ang ilang professional pole dancers. Check them out sa behind-the-scenes footages ng "Pour It Up".


2. Pahuhuli ba ang orginal Pinoy music videos? "Maligalig" na nakasama ni Ebe Dancel ang mga miyembro ng Polecats Manila sa kanyang music video!


1. Last but not the least ay ang "Kasalanan" MV ng 6cyclemind featuring Gloc-9 back when Tutti Caringal was still their drummer, and acting out scenes here with Maricar Reyes and some "foreigner friends".


Bonus! Panoorin ang aming exclusive MYXph.com video sa making ng upcoming Gloc-9 single "Magda" which also features... eh, ano pa nga ba, eh 'di pole dancing!


Ayos ba ang aming pa-samPOLE? 

Sigurado kaming marami pang music videos na gumamit ng pole dancing as visual at performance art. 

Feel free to add to the list sa aming comment box below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS