ARTICLE

Anong Klaseng Party Ang Mangyayari Sa Concert Ni ENRIQUE GIL?


Ang isa sa mga Kapamilya heartthrobs na si Enrique Gil ay naghahanda na para sa nalalapit na concert niya na gaganapin sa Araneta Coliseum!

Pinamagatang "King of the Gil: Enrique Gil The Concert," ito raw ay paraan ni Enrique para pasalamatan ang kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Sa recent presscon ni Enrique para sa concert niya ay ni-reveal niya na isa sa highlights sa gabing iyon ay ang magaganap na foam party!

"Hindi lang tayo maliligo ng pawis sa kasasayaw... May foam party na siguradong magpapasaya sa ating lahat," sabi ni Enrique.

For sure ay maeenjoy ng lahat ng fans ni Enrique ang nasabing foam party!

Bukod dyan ay marami pang sorpresa na handog ang tinaguriang "King of the Dance Floor" kaya make sure na nakabili na kayo ng tickets!

Ang "King of the Gil: Enrique Gil The Concert" ay magaganap sa November 29, 2013 sa Araneta Coliseum! Ticket prices are as follows:

Moshpit - P2,800
VIP Standing - P2,000
Patron - P1,500
Lower Box - P900
Upper Box A - P550
Upper Box B - P350
General Admission - P250

Comments

X

  • SNSDYulsic

    posted 3 years ago

    I HOPE THAT MAMA 2013 IS LIVE ON MYX AGAIN...I WANT TO SEE THE WINNERS THIS YEAR..INCLUDING GIRLS' GENERATION...SONES VOTE FOR THEM THEY ARE NOMINATED IN 4 CATEGORIES...

  • ronilloydsantos

    posted 3 years ago

    how to download an music video ..??
    plsss

PHOTOS

VIDEOS