ARTICLE

KZ TANDINGAN May Mensahe Para Sa Mga Apektado Ng Lindol


Mahigit isang linggo matapos mayanig ng lindol ang Visayas at Mindanao region, ramdam pa din ng ating mga kababayan ang epekto nito.

Kaya naman pati ang mga local music artists natin ay nagpapahatid ng kanilang mensahe para sa ating mga nasalantang kababayan.

Nakapayanam ng MYXph si KZ Tandingan at hiling niya ang patuloy na pagdarasal ng mga apektado nito.

"Magiging okay lang po lahat 'yan. Wala namang nangyayari na walang rason," ayon sa X Factor Philippines grand champion.

"Just keep on praying. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa", dagdag ng 21-year old recording artist, na tubong Digos, Davao del Sur. 

Panoorin ang aming buong panayam kay KZ sa aming MYXph exclusive sa ibaba. 


Mag-iwan ng inyong mensahe para sa ating mga kababayang apektado ng lindol sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS