ARTICLE

KIRAY CELIS' Shocking Dream Role


Halloween na naman! Panahon na naman ng takutan at mga horror movies!

Nang tanungin namin ang Kapamilya star na si Kiray Celis kung ano ang kanyang favorite scary movie, aba'y isang mamamatay-tao pala ang kanyang paborito. At dream role pa niya ito!

"Pinaka-favorite ko talaga "The Orphan"... Dream role ko si Esther," sabi ni Kiray sa aming MYXph exclusive interview.

Ang "The Orphan" ay isang psychological horror film tungkol sa isang batang inampon, na sa totoo ay 33-anyos na, at may rare hormone kondisyon.

"Hindi ako brutal pero hindi kasi siya 'yung typical na role... Kunwari mabait tapos sa dulo, siya pala 'yung mampapatay ng lahat ng tao," ayon sa 18-year-old actress.

Mukhang bagay nga kay Kiray ang role na 'yon!

Alamin ang isa pang Hollywood horror film na "keri" din ni Kiray sa aming MYXph video sa ibaba.


Isang original MYX horror film ang mapapanood ninyo mamaya.

Nood na ng MYX Halloween Special na "Diary" sa MYX mamayang 6PM.

Kayo, ano ang favorite ninyong horror movie? I-post ang inyong sagot sa aming comment box.


Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS