ARTICLE

GLOC-9 Muling Magbabahagi Ng Kwento Sa Panibagong Album!


Matapos ang success ng "Mga Kwento Ng Makata" kung saan narinig natin ang No. 1 hit na "Sirena," ngayon ay nagbabalik si Gloc-9 with his brand new album!

Pinamagatang "Liham at Lihim," ang seventh studio album ni Gloc-9 ay mayroong 12 hits kabilang ang "Rap Ka Nga," "Itak Ni Andres," "Kuwento Mo," "Kunwari," "Katulad Ng Iba," at ang carrier single na "Magda" na kasalukuyang nasa No. 5 spot sa MYX Daily Top Ten.

"Naniniwala po ako na ang bawat tao kahit ano man po ang kinahinatnan o sitwasyon niya sa buhay, palaging may istorya behind nun," sabi ng rapper sa ginanap na press conference para sa nasabing album.

Kabilang din sa "Liham at Lihim" ang "Takip Silim" kasama si Regine Velasquez-Alcasid na itinuturing ni Gloc-9 na ultimate dream collaboration. "It's a very promising song if I may say," he said.

Tracklist:

1. Huminahon Ka feat. Sly Kane
2. Takip Silim feat. Regine Velasquez-Alcasid
3. KMT feat. Eunice Jorge of Gracenote
4. Magda feat. Rico Blanco
5. Rap Ka Nga
6. Kwento Mo feat. Glocnine
7. Tsinelas Sa Putikan feat. Marc Abaya
8. Siga feat. Quest
9. Hindi Sapat feat. Denise Barbacena
10. Katulad Ng Iba feat. Zia Quizon
11. Kunwari feat. Kamikazee, Biboy Garcia of Queso and Manuel Legarda of Wolfgang
12. Itak ni Andres

Ang "Liham at Lihim" under Universal Records ay mabibili niyo na sa lahat ng leading record bars nationwide!

May kopya ka na ba ng "Liham at Lihim"? Ano ang favorite track mo dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • kheltopi2012

    posted 3 years ago

    super sulit ang new album ni idol Gloc-9, lahat ng songs malakas! lahat favorite. salamat idol sa mga magagandang awitin. solido ang suporta namin sayo!

  • dalitl@yahoo.com

    posted 3 years ago

    takipsilim at magda

  • fayety@rocketmail.com

    posted 3 years ago

    magda & KMT

PHOTOS

VIDEOS