ARTICLE

Teen Star BEA BINENE May Bagong Album Kasama Si KEN CHAN!


Nagbabalik si Bea Binene sa kanyang recording career!

Nailabas na ng teen star ang kanyang sophomore album na "Dito Sa Puso Ko" kasama ang singer-actor na si Ken Chan!

"Mixed emotions!" sabi ni Bea nang tanungin namin siya kung ano ang nararamdaman niya ngayon na meron na siyang sophomore album.

"Sobrang happy and excited na marinig ito ng mga tao... Siyempre po hindi mawawala yung nervousness at yung pressure dahil bagong path ito ng career ko... Pero positive lang! Mas nangingibaw po yung happiness, excitement at thankfulness sa mga tao," dagdag pa ng teen star.

Siguradong aabangan sa album na ito ang duet nila ni Ken na "Bakit Ngayon Ka Lang." Ayon kay Bea, sobrang komportable ni sila ni Ken sa isa't isa kaya naman hindi sila nahirapan magtrabaho para sa album na ito.

"Marami akong natutunan. Yung disiplina, yung attitude ng isang recording artist. Marami akong natutunan dito sa first album ko, na second album naman ni Bea," sabi naman ni Ken.

Tingnan ang buong tracklist ng "Dito Sa Puso Ko" sa ibaba:

1. Whoops Kirri
2. High School
3. Dito Sa Puso Ko
4. Nais Ko Malaman Mo
5. Bakit Ngayon Ka Lang
6. Ang Tipo Kong Lalaki
7. Sumayaw Sumunod
8. Asa Ka Pa
9. Bakit Labis Kitang Mahal
10. Sumayaw Sumunod (Extended Version)

Available na ang "Dito Sa Puso Ko" under Polyeast Records sa lahat ng leading record bars nationwide!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS