ARTICLE

Dalawang OPM Artists Napa-"Gudjab!" Kay STEVE JOBS

(Photo Credit: Reuters/ Robert Galbraith)

Sa pag-gunita natin ng Undas, natanong namin ang inyong paboritong local musicians kung sino ang mga famous dead people na ini-idolo nila. Kung may pagkakataon din silang makausap ito, ano kaya ang sasabihin nila dito.

Iisa ang sagot nina Ebe Dancel at ni Champ Lui Pio sa tanong namin na ito.

Ito ay ang yumaong co-founder, chairman at CEO ng Apple computer and smartphone company, na si Steve Jobs.

Ayon sa dalawang singers, ang tao sa likod ng iMac, iPad at iPhone ang dead celebrity na trip na trip nila na makilala.

Mula daw kasi nang mabasa ni Ebe ang isang libro tungkol kay Steve Jobs, hinangaan na niya ito at nakakita siya ng similarites between them.

Si Champ naman ay isang fan ng Apple products at kung sakali daw ay napakarami niyang gusto itanong sa taong binansagang "visionary".

Namatay si Steve Jobs sa edad na 56 noong October 5, 2011. Bumalik kasi ang sakit niyang pancreatic cancer at binawian siya ng buhay dahil sa mga kumplikasyon mula dito.

Just this year, naipalabas ang isang indie film entitled "Jobs" tungkol sa kanyang buhay at si Ashton Kutcher ang gumanap sa kanya. 

I-click ang aming MYXph exclusive interviews kina Ebe Dancel at Champ Lui Pio below.




Idol mo din ba si Steve Jobs? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS