ARTICLE

JOIN THE CLUB Nagkwento Tungkol Sa Bagong Album Na "Gera Ng Balarila"!


Five years in the making.

Natuldukan na ang matagal na paghihintay ng mga fans ng OPM band na Join The Club dahil finally ay naka-release na ang kanilang pinaka-bagong album na "Gera Ng Balarila"!

Sa album launch ng Join The Club ay nakausap namin sina Biboy, Brian, Congie at Migs at doon ay natanong namin sila tungkol sa konsepto ng bago nilang album.

"Experimental siya," sabi ng front man na si Biboy. "Talagang nag-explore kami rito. Ni-retain pa rin namin yung structure ng Join The Club pero medyo nag-diversify kami ng konti," dagdag pa niya.

Sabi naman ni Migs, "Nag-mature yung music. Kumbaga madali mo siyang ma-grasp."

Ano kaya ang istorya sa likod ng title nito na "Gera Ng Balarila"?

Biboy explains, "Yung mga salitang nabuo dun sa album, parati kaming dinidigmaan. Pakinggan niyo na lang at sana makuha niyo yung hidden message dun sa album pero simple lang naman. Laro ng mga salita -- Gera Ng Balarila."

Kabilang sa "Gera Ng Balarila" ang single ng Join The Club na "Rakista" na malapit niyo nang mapanuod ang music video siyempre dito lang sa MYX!

Available na simula bukas (Nov. 6) ang "Gera Ng Balarila" sa lahat ng leading record bars nationwide!

Ano ang pinaka-paborito niyong kanta ng Join The Club? I-share niyo sa amin yan by leaving a comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS