ARTICLE

"Mind-boggling" Showtime Number, Ginaya Lang?


Usap-usapan pa din sa social media sites ang nakakamanghang performance nina Karylle, Jugs and Teddy sa fourth anniversary week ng "Showtime".

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit sa 2.6 million views ang natanggap nito sa YouTube.

Halo-halong reaksyon ang inani ng "Pasikat Week" champions sa kanilang "frontmasking" na pag-awit ng theme song ng show.

Pero ilan sa nag-comment ang nag-point out na kahalintulad ang number ng "Team TKJ" sa ginawa ng American band na Mute Math sa kanilang music video at sa isang live performance.






Heto ang official music video ng Mute Math para sa kanilang kantang "Typical" sa ibaba.


Heto naman ang kanilang live perfomance noong September 19, 2007 sa "Jimmy Kimmel Live" na isang talk show sa Amerika.



Isang grupo din ang nag-upload sa YouTube ng video kung paano ito ginawa ng Mute Math sa normal time. Panoorin ito sa ibaba.


Sa isang interview sa ABS-CBNNews.com, sinabi nina Karylle at Jugs na 2 years ago pa nila napag-isipan ang konseptong iyon, na nagpanalo sa kanilang grupo ng P200,000 na mapupunta sa White Cross Children's Home at sa mga biktima ng lindol sa Bohol.

Ano man ang maging opinyon ng mga tao, kahanga-hanga pa din ang ginawa ng parehong Mute Math at Team TKJ dahil siguradong hindi madali ang makapag-execute ng ganitong performance.

Anong masasabi ninyo? "Mind-boggling" or "may nabuking"?

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

  • ja_1207

    posted 3 years ago

    aus lang un, to get an idea from someone, basta you don't claim it as your own...

  • angel143

    posted 3 years ago

    story of my life-one direction

PHOTOS

VIDEOS