ARTICLE

SANDWICH On Their Greatest Gig... Ever!


Dahil Huwebes na naman, we throw it back with OPM band Sandwich.

Natanong namin ang banda kung ano ang pinaka-memorable na tugtugan nila so far, sa kanilang 15 years sa music industry. 

Ang kanilang sagot? Nang nakapag-perform sila sa Hollywood Bowl noong July 8, 2012.

Isa iyong event na in-organize ni apl.de.ap para sa Filipino community sa L.A.

Nakasama ng banda sina Martin Nievera, Ogie Alcasid at ilang prominenteng U.S.-based entertainers na may lahing Pinoy tulad ni Vanessa Hudgens, Lou Diamond Phillips at Nicole Scherzinger.

At bakit "honored much" ang Sandwich na nakasama sila doon?

Sila lang naman ang first Pinoy band ever to perform sa Hollywood Bowl!

I-click ang aming full interview sa Sandwich sa ibaba.


Ang Hollywood Bowl ang isang sikat na concert venue sa Los Angeles, California.

Ito ay isang outdoor amphitheater na itinayo noon pang 1922 and through the years ay natugtugan na ng mga sikat na orchestras, current pop stars at music icons.

Ilan sa mga nakapag-concert na dito ay si Alicia Keys, Kylie Minogue, Nat "King" Cole, The Doors, Jimi Hendrix at... The Beatles lang naman.

So alam niyo na kung gaano ka-swerte ang Sandwich at naka-apak sila dito, nakapag-perform, at nagpasaya ng mga kababayan natin! 

Silipin sa ibaba ang kanilang performance uploaded by YouTube user "jhay oh".


Sugod mga kapatid! Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS