ARTICLE

JAYVHOT GALANG Iniwan Ang Address Sa TV, Nadiscover!

 

Kilala niyo ba itong batang lalaki na ito? 

"Hello i am Jayvhot Galang! I am a fifteen year old stunner who lives in Sta. Anna, Metro Manila, Philippines!" sabi niya noong linapitan namin siya noong "Maxie the Musicale" Press Conference. Kinausap namin siya tungkol sa kanyang role bilang Maximo Oliveros at ito ang sinabi niya! Manuod sa ibaba!

 

Nadiscover raw siya sa pamamagitan ng isang video niya sa isang TV 5 contest. Kumalat ito online at naging daan kung papaano siya nadiscover. Aba! Siyempre naman! Kung ikaw ay magiiwan ng buong address mo sa live TV, talaga namang mahahanap ka, san ka man mapunta! 

Pinuntahan siya ng mga tao na nagplaplanong gumawa ng "Maxie the Musicale" at nagarrange ng schedule for a personal audition. "Sobrang excited po, as in excited an excited, masayang masaya dahil first time ko magtheatre... Wala na pong katumbas ung saya ko!" Yan ang sabi ni Jayvhot noong itinanong namin kung ano ang naramdaman niya noong siya ay binisita para sa role na Maxie. 

Noong pinagusapan na ang role, sabi niya na si Maxie raw ay mabait at mapagkumbaba. "Pareho naman po kami ng buhay kasi ganun naman din po ako, pero ang pinagkaiba lang po naman ay sweet siya, pero maldita ako! Charot!" Biro ni Jayvhot!

Panoorin niyo si Jayvhot sa kauna una niyang paglabas bilang theatre actor at bida. Manuod ng "Maxie the Musicale" para makita siya in action!

Manunuod ba kayo? Magiwan ng comment sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS