ARTICLE

YENG CONSTANTINO Ipagdiriwang Ang Birthday Sa Pamamagitan Ng Isang Concert!


Sa December 4 ay ipagdiriwang ni Yeng Constantino ang kanyang kaarawan. Pero ise-celebrate niya ito ng mas maaga sa pamamagitan ng isang birthday concert!

Pinamagatang "Plugged In," ang nasabing birthday concert ay gaganapin sa November 30, 2013 sa Samsung Hall ng SM Aura sa Taguig City.

Ito raw ay paraan ni Yeng upang mag-give back sa lahat ng supporters niya na naging bahagi ng success sa kanyang career. Sasamahan siya dito ng kanyang side band na Sesa, at ni Rico Blanco.

Personal daw na inihanda ni Yeng ang magiging setlist niya sa nasabing concert kabilang ang mga kantang patungkol sa kanyang buhay bilang isang artist.

Ang "Plugged In" ay tutulong din sa Right Start -- isang non-profitable at non-government organization na nagbibigay ng tulong sa underpriviledged children sa pamamagitan ng child-centric afterschool programs.

Markahan niyo na ang date, Yengsters! "Plugged In" sa November 30, 2013 sa Samsung Hall, SM Aura!

Excited na ba kayo para dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • loralyn

    posted 3 years ago

    hi yeng ..wow. gustong gusto ko makapanood nang brthday concert mo..kc idol na idol kita ,, pa request naman ng free ticket,, i wish.. hehe

PHOTOS

VIDEOS