ARTICLE

ERIK SANTOS Binisita Ng MYXph.com Sa "inTENse" Rehearsal Niya!


Bukas na ang inaabangan na 10th anniversary concert ni Erik Santos!

Kagabi ay binisita ng MYXph.com ang Prince of Pop sa final rehearsal niya para sa nasabing concert at nakakaramdam na siya ng mixed emotions!

"I'm so tensed and at the same time I'm very, very excited," sabi ni Erik. Sinisigurado ni Erik na mula simula hanggang katapusan ng concert, highlight daw ang bawat production number.

"Sobrang pinaghandaan namin itong gabi na ito... I'm sure na napakaganda ng magiging outcome ng concert na ito," dagdag pa niya.

Nang kamustahin namin ang preparations nila para sa concert. Dinescribe ito ni Erik in one word -- "Madugo." Pero ayon kay Erik, "They deserve it eh. Deserve ito ng lahat ng manunuod at lahat ng sumuporta for 10 years."

Panuorin ang video sa ibaba dahil iniimbitahan kayo ng Prince of Pop na si Erik Santos sa concert niya bukas!


Ang "inTENse: A Decade With The Prince of Pop" ay gaganapin bukas, November 9, 2013 sa PICC Plenary Hall.

Anong kanta ang excited kayong marinig mula kay Erik Santos? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS