ARTICLE

Dalawang Female OPM Singers Todo-Suporta Sa "inTENse" Concert Ni ERIK SANTOS!


Mamayang gabi na magaganap ang 10th anniversary concert ni Erik Santos na "inTENse: A Decade With The Prince of Pop"!

Recently ay binisita ng MYXph.com si Erik sa final rehearsal niya para sa nasabing concert at doon ay naka-kwentuhan namin ang dalawa sa kanyang special guests na sina Yeng Constantino at Angeline Quinto.

Maaalala natin na sa isang recent interview ay na-describe sa amin ni Erik ang mga guests niya bilang "royalty."

Overwhelmed naman daw sina Yeng at Angeline na kabilang sila dito. "Sobrang masaya kami na parte kami ng concert na ito sa sampung taon mo sa industriya," sabi ni Yeng. 

Ayon naman kay Angeline, "Sobra po akong thankful kay Erik dahil hindi siya nagsasawang imbitahan ako na makasama sa concert niya lalo ngayon po na 10th year niya."

Sinisigurado naman ng dalawang singers na gagawin nila ang best nila sa kanilang production number. Aminado kasi sina Yeng at Angeline na medyo mahirap ang gagawin nila sa concert ni Erik. "Hindi lang kami ang kakabahan, pati kayo kakabahan sa prod namin!" dagdag pa ni Yeng.

Panuorin ang buong interview namin kayna Yeng at Angeline by clicking the video below:


Mamaya na ang "inTENse: A Decade With The Prince Of Pop" sa PICC Plenary Hall!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS