ARTICLE

Minsan Lang Maging Seryoso 'To! JAY CONTRERAS May Mensahe Para Sa Nasalanta Ng Super Bagyo


Sa gitna ng kalamidad na ating nararanasan, heto ang inyong mga favorite OPM artists na nakiki-isa.

Ang bokalista ng bandang Kamikazee ay may mensahe para sa mga naapektuhan ng super typhoon Yolanda.

"Sa lahat ng mga nasalanta, kami'y nakikiramay. Pero alam nating lahat na kaya nating mga Pinoy 'yan!", sabi ni Jay sa aming eksklusibong panayam. 

May apila din siya sa ilan nating mga kababayan:

"Yung mga may kaya, tumulong kayo. 'Yung mga nagnanakaw huwag muna kayong magnakaw. Sumuporta kayo... 'Yung mga walang kayang ibigay, ipagdasal na lang nating 'yung mga nasalanta."

I-click ang video sa ibaba.


Matapos man ang bagyo, sana ay gawin nga natin ang lahat ng ating magagawa para tumulong sa mga biktima ni "Yolanda".

Suportahan din natin ang Kamikazee at ang iba niyo pang paboritong OPM stars sa MYX Mo! 2013 sa darating na Martes.

Mabuhay ang Pilipino!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS