ARTICLE

Makakatulong Ka Sa Mga Biktima ng YOLANDA Sa Panonood Mo Ng #MYXMO2013!


Isang matinding bagyo na naman ang naranasan natin. Hindi lang basta bagyo, kundi ang isa sa mga pinakamalakas sa kasaysayan ng mundo. 4 na milyong Pilipino ang matinding naapektuhan at sila ay nangangailangan ng inyong tulong. Bilang mga kabataan, may magagawa tayo sa pamamagitan ng panonood ng #MYXMO2013 ngayong November 12, 2013!

Lahat ng proceeds ng #MYXMO2013 ticket sales ay mapupunta sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa tulong ng SAGIP KAPAMILYA. Pumunta na sa lahat ng SM Tickets branches at ang inyong ticket ay magsisilbing donation o tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Magkaisa tayong lahat para sa ating mga kababayan.á

Ang aming malaking pasasalamat sa lahat ng meron nang tickets.

Lahat ng detalye tungkol sa #MYXMO2013 andito:ámyxph.com/myxmo

Patuloy nating ipagdasal ang ating bansa at ating mga kababayan! Kaya natin 'to! :)

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS