ARTICLE

Pinoy Bassist Isa Sa Nasawi Dahil Sa Super Typhoon Yolanda

(Image from Kadangyan Official Facebook page)

Isang Pinoy musician ang isa sa mga hindi pinalad mag-survive sa super bagyo na si Yolanda.

Ang bass player na si Jonas "Agit" Sustento ng ethno-tribal rock band na Kadangyan ay nasawi sa gitna ng pinakahuling kalamidad na naranasan ng bansa.

Ayon sa ilang posts ng fans at mga kaibigan sa Official Facebook page ng Kadangyan, namatay si Agit sa Tacloban kasama ang kanyang asawa, anak at ilan pang mahal sa buhay.





Sa kanyang personal FB page, isang mensahe din ang iniwan ng Kadangyan vocalist na si Bhava Mitra para sa kanyang yumaong kaibigan.


Ang grupong Kadangyan ay nabuo noong 2000. Sila ay may distinct na tunog na matuturing na tunay na sariling atin sa kanilang pag-gamit ng indigenous instruments.

Ilan sa kanilang natugtugan nang gigs ay ang Fete Dela Musique at ang Malasimbo Music and Arts Festival.

Silipin ang kanilang live performance sa ibaba uploaded by YouTube user anantasesha.


RIP, Agit.

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

  • evylha

    posted 3 years ago

    Please be informed that his son, Tarin is still missing as of this time as per information from their immediate family member. We appeal for your help to help us find Tarin. Tahnks you!

PHOTOS

VIDEOS