ARTICLE

ANNE CURTIS Tumulong Sa Mga Biktima Ng Yolanda

Photo from the Instagram account of Market Market

Nagkaroon ng isang garage sale si Anne Curtis-Smith na ihinandog sa mga biktima ng super typhoon Yolanda noong Linggo, Nobyembre 10. Naganap ito sa Market Market sa Taguig city at pinuntahan ng sang katutak ng kanyang mga fans. Itinawag niyang #sANNEdaygaragesale ito. 

Kasama niya rito ang kanyang kapatid na si Jasmin pati na rin ang kanyang boyfriend na si Erwan Heusafff. Nagbenta sila ng mga iba't ibang klaseng damit, sapatos at iba pang nilang gamit. Naka abot sila ng 370,000 pesos sa pagbenta at ibinigay ito sa World Vision Philippines para makapagtulong sa mga biktima ng Yolanda. 

Bukod sa tuwa sa pagbili ng mga gamit ni Anne, Jasmin at Erwan, marami ring fans ay natuwa din sa kanilang binili at itinulong.

Nakadalo ka ba at nakatulong sa mga biktima sa pamamagitan ng pagbili kay Anne? Sabihin samin sa pamamagitan ng pagiwan ng comment!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS