ARTICLE

"Matibay Ang Pinoy!" û RICO BLANCO


Noong nakaraang Linggo ay naranasan ng Pilipinas ang naitalang pinaka-malakas na bagyo sa buong mundo, ang super typhoon Yolanda.

Lubos na naapektuhan ang ating mga kababayan sa Visayas na nawalan ng tahanan at higit sa lahat ay namatayan ng mga kamag-anak.

Noong Martes, ginanap ang MYX Mo! 2013 kung saan lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa Sagip Kapamilya para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Isa si Rico Blanco sa mga performers noong MYX Mo! 2013 kasama ni Gloc-9 at nang makausap siya para sa isang interview ay doon niya ipinadala ang kanyang mensahe para sa lahat ng nasalanta at sa lahat ng nais tumulong.

"Matibay ang Pinoy! There's still a lot to be done... Everyone there is tough, just hang in there... Do not belittle the power of prayer. Baka mas malayo yung marating ng tulong mo kung may kasamang prayer."

Patuloy pa rin tayong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa anumang paraan na ating makakaya at ipagdasal natin ang kanilang pagbangon mula sa trahedyang ito.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS