ARTICLE

HIMIG HANDOG P-Pop Love Songs Babalik Ngayong 2014!


Muling nagbabalik ang songwriting competition para sa lahat ng Pinoy composers worldwide!

Matapos ang successful run nito noong nakaraang taon kung saan na-koronahan si Joven Tan para sa composition niyang "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa," nagbubukas muli ang "Himig Handog" para maghanap ng Filipino composers na baon ang kanilang OPM love songs na naghahangad na tumatak sa puso ng Pinoy.

Simula ngayon, November 15, ay tumatanggap na ng original song entries para sa "Himig Handog P-Pop Love Songs 2014." Maaari kayong magpadala ng entries hanggang January 31, 2014.

Open ang "Himig Handog P-Pop Love Songs 2014" sa lahat ng Filipino composers worldwide, amateur o professional, solo man o grupo na may hanggang tatlong miyembro.

Pwedeng magpasa ang isang composer ng hindi lalampas sa tatlong kanta. Maaaring isulat ang entry sa wikang Filipino, English o Taglish, at anumang genre.

For more details, bumisita lamang sa "Himig Handog" Secretariat sa Star Creatives Group, 2/F ABS-CBN Broadcasting Corporation, ELJCC Bldg., Eugenio Lopez Drive, Quezon City.

Pwede niyo rin bisitahin ang kanilang official website: www.himighandog.abs-cbn.com.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • a_assejmyx@yahoo.com

    posted 2 years ago

    kilan po next p-pop competition?

  • jongskie

    posted 2 years ago

    kelan po ang next na ppop competition? o kelan kayu tatangap ulit ng mga entries?

  • daniellapastforever

    posted 2 years ago

    ay nung january pa po pala ang last day for he intries tsk3x sayang naman..

  • younglingsvisayas

    posted 3 years ago

    sana mapili si young jv as one of the artist na kasali magperform .thanks

PHOTOS

VIDEOS