ARTICLE

"Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" Magkaisa Tayo Sa ABS-CBN All-Star Benefit Concert -- Bukas Na!


Bukas, November 16, ay gaganapin ang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na: An All-Star Benefit Concert" sa Araneta Coliseum.

Ito ay isang fundraising event para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda na tumama sa Pilipinas noong nakaraang linggo.'

Ticket prices:

P1,000 - Patron
P700 - Lower Box
P500 - Upper Box B
P400 - Upper Box A
P300 - General Admission

Bawat ticket ay may kasamang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na" t-shirt na ipapamigay sa Araneta Coliseum bukas.

Magpe-perform din ang inyong mga paboritong Kapamilya stars na labis na pinaghandaan ang gabing ito. Lahat ng proceeds ay mapupunta sa calamity fund ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.

Maaari niyong mapanuod ang live simulcast nito sa global platforms ng ABS-CBN: TFC Pay-Per-View, TFC.tv at TFC IPTV, at sa cable TV: SkyCable Pay-Per-View at Destiny Pay-Per-View.

Para naman sa mga nasa probinsya, pwede niyo rin itong mapanuod sa J. Centre Mall Atrium sa Mandaue City, Cebu at sa SM City Davao Annex.

Feel free to leave your comments below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS