ARTICLE

Plano Mo Bang Gumimik? Heto Ang Ilang Events For A Cause Na Pwede Mong Puntahan!


Weekend na naman!

Medyo mahirap magsaya sa gitna ng pinaka-recent na trahedyang naranasan ng ating bansa.

Ngunit kung sakaling lalabas kayo at gustong manood ng mga banda at artists, might as well pumunta kayo sa mga gig na makakatulong sa ating mga nasalantang kababayan!

Heto ang ilang upcoming events for a cause that you can check out.


Sini-celebrate ng cable channel na Jeepney TV ang kanilang 1st Anniversary by helping out the victims of Yolanda. Punta na sa 19 East Bar sa Sucat, Paranaque tonight at mapapanood ninyo si Radha ng The Voice of the Philippines at si Mr. Pure Energy Gary V!

(Poster from The Wharf Bar and Resto Facebook page)

Para sa mga malapit sa Marikina City area, isang jamming night para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang inyong maaring mapuntahan ngayong gabi sa The Wharf Bar and Resto.

(Poster from Terno Records' Facebook page)

Itinatampok naman ang Up Dharma Down at iba pang banda under Terno Recordings sa "Terno Inferno" night! Pwede kayong magdala ng donations sa Route 196 Katipunan Extension ngayong gabi.

(Event invite from Genre Bar's Facebook page)

Headliner si ex-MYX VJ at OPM royalty Robin Nievera sa "Paglaum" benefit gig sa Genre Bar located sa Cubao X bukas, November 16.


Tutungo sa Big Dome ang mga Kapamilya stars para sa isang all-star benefit concert bukas! Alamin ang detalye dito.

(Poster from Terno Records' Facebook page)

Isa pang "Terno Inferno" night ang magaganap sa Saguijo Bar sa Makati naman sa Saturday, November 16! Ang entrance fee na makokolekta ay ido-donate sa Philippine National Red Cross.

(Poster from Bed Bar's Facebook page)

Para sa mga mahihilig naman sa dance music, may 3-day fund raising event ang Bed Bar featuring local and international DJs kasama ang iba pang performers. "Tumugishtakish" at tumulong sa November 15-17 sa Bed Bar, Malate!

(Invite from Wolfgang's Official Facebook page)

Super OPM rock line up naman ang panapat sa Super Bagyo ng "Help" event sa Lunes, November 18. Magjo-join forces ang Wolfgang, The Dawn, Sponge Cola, Soapdish, Peryodiko at Ginoong Vitalis upang tumulong sa mga Yolanda survivors. Kitakits sa 19 East Bar sa November 18!


Pili na ng mga pupuntahan ninyong gigs! Kung may alam pa kayong ibang gigs for a cause na mangyayari this week, comment lang kayo dito at baka pwede naming maidagdag sa list na ito.

Naka-suporta ka na sa mga paborito ninyong musicians, nakatulong ka pa sa ating mga kababayang nangangailangan! 

Tara! Tugtog! Tulong!

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS