ARTICLE

"There's Always Hope!" û REGINE VELASQUEZ May Mensahe Para Sa Mga Nasalanta Ng Bagyong Yolanda


Patuloy pa rin ang pagtutulungan natin para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez, bukod sa pag-auction niya ng kanyang mga personal na gamit sa kanyang Instagram account ay ido-donate din niya ang parte ng album sales ng kanyang latest na "Hulog Ka Ng Langit" sa Quezon City chapter ng Philippine Red Cross.

Sa isang MYXclusive interview ay nagbigay ng mensahe ang Songbird para sa mga kababayan natin sa Visayas.

"There's always hope... Habang (may) buhay tayo, may pag-asa. God is with us. We should just be thankful and grateful na nandito pa po tayong lahat," sabi niya.

Panuorin ang buong interview namin kay Regine Velasquez by clicking the video below:


Para sa mga gustong mag-abot ng kanilang tulong, bumisita lamang sa abs-cbnnews.com/TulongPH.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS