ARTICLE

"What did the fox say? - I just called to say - I don't care, I love it!" YLVIS, STEVIE WONDER At ICONA POP Kasali Sa MAMA 2013 Performers!


Tatlong bigating international names sa music industry ang makiki-MAMA 2013!

Ang Swedish electro pop duo na Icona Pop, ang Norwegian YouTube sensations na Ylvis, at si American pop icon Stevie Wonder ay magpe-perform sa 2013 Mnet Asian Music Awards!

Abangan ang kanilang mga production numbers this Friday, November 22 sa MYX dahil ipapalabas namin muli ito ng live na live mula sa Asia World-Expo Arena sa Hong Kong!

Masaksihan kaya natin ang "What did the fox say? - I just called to say- I don't care, I love it" mash-up sa Biernes? Tignan na lang natin!

Bukod sa mga international superstars na ito, ang K-Pop groups na BIG BANG, EXO at 2NE1 ay nakahanda ding magbigay ng kanilang awesome performances.

Panoorin ito sa MYX channel at livestream sa MYXph.com mula 5:00 PM para sa red carpet at pagpatak ng 7:00 PM, main show na!

Check out our MAMA 2013 teaser below.


Abang abang na ng mga updates at balita dito sa MYXph.com at sa MYX official social networking sites ûTwitterFacebook and Instagram!

Sa mga walang MYX sa cable at sa mga nasa abroad, don't worry maki-livestream sa amin by logging on to MYXph.com/chat sa November 22, 2013.

Gamitin din nang gamitim ang hashtag na #MAMAonMYX.

Sinong performers ang sabik na kayong mapanood? At sino ang mga tingin ninyong mananalo this year sa #MAMAonMYX?

Comments

X

  • SicaStal

    posted 3 years ago

    Sana may live coverage din sa Channel 23 . Pls !!!!!

PHOTOS

VIDEOS