ARTICLE

YENG CONSTANTINO Naghahanda Na Para Sa Upcoming Birthday Concert Niya!


Sa November 30 ay magaganap na ang birthday concert ni Yeng Constantino na "Plugged In"!

Dumalaw ang MYXph.com sa rehearsals ng Pop Rock Princess para sa nasabing concert at doon ay naka-kwentuhan namin si Yeng!

Nang tanungin namin siya kung bakit niya napag-desisyunan na i-celebrate ang kanyang birthday sa pamamagitan ng isang concert, ayon sa kanya, "Every year lagi akong sinusorpresa ng mga Yengsters ng party."

Ito raw ang kanyang time para mag-give back sa support na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga fans. "Gusto ko na isang buong gathering lang tapos magco-concert ako, kakantahan ko lang sila," kwento pa niya.

Bukod sa birthday concert, isa rin itong benefit concert kung saan tutulungan niya ang Right Start Foundation at ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda. 

Panuorin ang buong interview namin kay Yeng by clicking the video below:


Ang "Plugged In" ay magaganap sa November 30, 2013 sa Samsung Hall, SM Aura with guests SESA, Sam Milby and Rico Blanco.

Anong song ang pinaka-naeexcite kayong marinig from Yeng sa birthday concert niya? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS