ARTICLE

Pinoy Pride: RACHELLE ANN GO Kasama Sa West End Revival Ng Miss Saigon!


Noong isang taon, naganap ang Manila auditions para sa international hit musical na "Miss Saigon."

Among the other auditionees, si Rachelle Ann Go ang nanatili hanggang sa dulo ng auditions.

Earlier today sa broadwayworld.com ay nai-announce na ang cast para sa West End revival ng "Miss Saigon" at ang very good news... kabilang si Rachelle Ann Go dito! Gagampanan ng Pinoy singer ang role ni Gigi sa nasabing musical na magsisimula sa May 3 sa London.

Nakuha naman ng 17-year-old Charlotte native na si Eva Noblezada ang lead role na si Kim, na ginampanan din ng Tony Award-winner na si Lea Salonga, 25 years ago.

Speaking of Ms. Lea Salonga, nang mabalitaan niya ang pagpasok ni Rachelle Ann sa cast ng Miss Saigon ay agad niya itong na-congratulate via Twitter.


Congratulations Rachelle Ann Go! Proud ang buong Pilipinas sayo!

Anong masasabi niyo tungkol dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • tgrob

    posted 3 years ago

    congratz ms.rachelle ann go for being gigi in ms. saigon! iwagayway ang bandera ng pilipinas!:)

PHOTOS

VIDEOS