ARTICLE

OPM Singer at Pinoy International Sensation Naka-Duet Ni ALICIA KEYS!


Kagabi ay dinagsa ang Mall of Asia Arena para sa concert ng international singer na si Alicia Keys.

Pinerform ni Alicia sa nasabing concert ang ilan sa mga hits niya tulad ng "Karma," "Fallin'," "Empire State of Mind," "Girl On Fire," at marami pang iba.

Bukod sa kanyang mga hit songs ay sinorpresa rin ng international singer ang Pinoy audience niya nang lumabas ang dalawa niyang special guests.

Habang pine-perform niya ang "If I Ain't Got You," na dinedicate niya sa kanyang Pinoy fans, ay lumabas sa stage ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez para sa kanilang very special at unforgettable duet!


Panuorin ang aming video below!


Sa kanyang performance naman ng "No One" ay nagkaroon ito ng mash up sa hit song ng Black Eyed Peas na "Where Is The Love," at sa gitna ng kanta ay ipinakilala ni Alicia ang BEP member at proud Filipino na si apl.de.ap!


Ang concert ni Alicia ay isa sa mga hindi makakalimutang international concerts dito sa Pilipinas. Ayon pa sa international singer, masasabi raw niya na isa ito sa mga paborito niyang shows.

Tingnan ang iba pang photos ng MYXph.com dito.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • jayarlopez

    posted 3 years ago

    nice astig

  • Kcsayomac123

    posted 3 years ago

    Hi myx! Paki greet Lang po sa close friend ko na si Mary Kate temple na classmate ko. I love you myx! And more power!

PHOTOS

VIDEOS